This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG unti-unting natatauhan si Internal Revenue Commissioner Kim Henares at nararamdaman na ang panggigipit ng Department of Finance (DoF) sa pagpapataw ng mataas na target sa kanilang koleksiyon.
Inamin mismo ni Henares na mukhang wala na sa realidad ang kanilang target dahil buwan-buwan ay kapos sila at hindi ito nahi-hit.
Kahit nagkaroon na sila ng kampanya at bagong selyo para mahamig ang ‘sin tax’ kapos pa rin.
Kung hindi tayo nagkakamali aabot sa P1.542 bilyones ang kakulangan sa 2015 tax collection ng BIR. Base ito sa itinakda nilang target na P1.674 trilyon.
Aba napakalaking shortfall niyan?!
By the way, bakit kaya walang pumupuna, pumapansin o bumabatikos sa BIR kapag kapos ang koleksiyon nila?!
Pero kapag Bureau of Customs ang hindi nakaabot ng kanilang target ‘e napakaingay.
Ang daming rumerepeke at dinidikdik ang Customs na para bang nalugi sila sa negosyo?!
Subukan kaya ni Finance Secretary Cesar Purisima na magtalaga rin ng retired generals sa BIR? Tingnan nga natin kung ma-hit ang target?!
Tayo naman ay nagmumungkahi lang po.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com