MTPB Oplan Pakilala umarangkada na!

Marami ang natuwa nang malaman na nagbitiw o napilitan bumitaw ang dating hepe ng Manila Tara ‘este’ Traffic and Parating ‘este’ Parking Bureau (MTPB) na si Don Carter ‘danda’ Logica.

Nakatunog kaya siya na sisibakin na siya ni Yorme Erap kaya inunahan na n’ya na kumalas sa MTPB?!

Eto na, pagkaalis sa puwesto ni Carpintero ‘este’ Carter ay mabilis pa sa kidlat na may nagpapakilalang katiwaldas ‘este katiwala o bagman ng MTPB na isang alias TOTITI NO-DYOK!

Agad daw na inalam ni alias Totiti ang mga regular na ‘parating’ at ‘obligasyon’ sa kanilang opisina.

In-short, inalam agad ang sistema ng tarahan at hindi ang sistema ng trapiko sa Maynila!

Sabi tuloy ng mga MTPB personnel, hindi lang pala sa pulis uso ang ‘bagong hepe bagong tarya oplan-pakilala’ kundi sa kanila rin pala?!

Mas malupit daw ang mga pumalit sa MTPB NGAYON!

Sonabagan!!!

Humahataw na rin daw sa MTPB sector 1 ang isang alias labra-ador sa pangongolektong sa mga terminal at bus sa Divisoria.

Lagare rin as in 3x a day kotong ang isang alias AKI-NO sa kalye Dagupan, Moriones at A. Rivera.

Magtataka pa ba kayo kung bakit super-trapik sa mga lugar na ‘yan!?

Sa illegal terminal ni Manang Joy naman diyan sa Lawton ay nakadirekta na raw ‘yan sa mga bossing sa city hall?!

Yorme Erap, baka nabubukulan ka na riyan?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com