This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Sa loob lamang ng isang taong panunungkulan ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD) ay bigla na umanong yumaman dahil sa pagtanggap ng ‘timbre’ sa mga pulis na nakalubog o ‘yung tinatawag na ghost cops.
Kumikita raw ang opisyal ng Manila Police District sa bawat lespung nakalubog sa DPSB, sa police stations at sa Police Community Precinct (PCP) ng pitong libong piso (P7,000) kada ghost cop.
Kaya naman sa loob lang ng isang taon ay milyonaryo na ang nasabing opisyal ng MPD sa pagtanggap ng timbre sa mga nakalubog na lespu?!
What the fact Gen. Rolly Nana?!
Umaabot umano sa tatlong daang lespu ang nakalubog sa bakuran ng MPD at hanggang ngayon ay nagtataingang kawali lang ang opisyal kahit ipinag-uutos na ng PNP Chief ang paglutang ng mga lespung lubog.
Kaya hindi nakapagtataka kung mataas pa rin ang krimen at laganap ang patayan sa lungsod ng Maynila.
Pati mga babae ay pinapatay sa kalye dahil wala o kulang ang pulis na tumutupad sa programang police visibility ni PNP chief, Dir. Gen. Marquez.
At para lang mapagtakpan ang kakulangan sa pulis sa kalye, ang mga pulis na OFFICER JOB TRAINING (OJT) ang ipinakakalat ng ilang police station commanders.
PNP-NCRPO director Gen. Joel Pagdilao, hindi pa ba ninyo uumpisahan na imbentaryohin ang mga pulis sa Maynila?!
Aksiyon Mr. RD!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com