ISA si Vice Ganda sa nag-react sa video na kumakalat na isang ahensiya ng gobyerno ang nagpalabas ng pirated version of A Second Chance.
“This is DISGUSTING!!! Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!” tili ni Vice.
“Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz! #NoToPiracy,” dagdag pa niya.
Ang Star Cinema Adprom guy na si Mico del Rosario ang unang nag-post ng reaction sa video na lumabas.
“Dear DFA ALI MALL, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance dyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm.. Government agency po kayo?” say niya.
Oo nga, hindi ba bawal ‘yun? Bakit nakalulusot iyon sa tanggapan pa naman ng isang ahensiya ng gobyerno? Sino ang dapat managot dito?
UNCUT – Alex Brosas