ANG common na problema: nais mong bumuhat ng kotse, ngunit ang average human body ay hindi makakayang bumuhat ng sasakyan. Ngunit mayroon nang solusyon.
Si James Hobson, tinagurian ang sarili bilang si Hacksmith, ay bumuo ng exoskeleton upang makatulong sa pagbubuhat nang mabibigat na bagay katulad ng hallowblocks, at pag-aangat ng Mini Cooper.
Maaaring hindi pa lalahok si Hobson sa World’s Strongest Man competition, ngunit hindi siya nahirapan sa pag-aangat ng sasakyan dahil sa tulong ng lower body exoskeleton.
Sumubukang gumamit nito at dagdagan pa ng hover board, at tiyak na ikaw ay magiging super-human.
(THE HUFFINGTON POST)