Walang Tulugan, mamamaalam na sa ere

020216 german moreno
NOONG Biyernes, Pebrero 29 ay nag-taping pa ng dalawanf episodes ang Master Showman, ang programa ng namayapang si Kuya Germs Moreno. Ang Walang Tulugan ay 20 years na sa ere and sad to say, ang  nabanggit na taping ay  pinakahuli na.

Yes, magpapaalam na ang Master Showman at tanggap naman ito ng mga co-host ni Kuya Germs. Ngayong  namahinga na si Kuya Germs,

Panahon na rin para mamahinga ang  programa.

Mami-miss for sure nina John Nite, Jackielou Blanco, Shermaine Santiago, Shirley Fuentes,  Aster Amoyo, at mga bagets ang show na ito.

Paano na ang pangarap na mapasok at makilala sa showbiz ng mga bagets na co-star?

Maraming may potential sa mga bagets sa Walang Tulugan at kung talagang may ‘K’ sila, kahit patay na si Kuya Germs, kahit wala na ang programa ay magtatagumpay pa rin sila.

MAKATAS – Timmy Basil