Wednesday , May 1 2024

Maine, inihalintulad ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa young love

020216 maine mendoza
SIMULA nang pumailanlang ang career ni Maine Mendoza, sa pamamagitan ng Kalye Serye sa Eat Bulaga!, nagsunod-sunod na ang mga offer sa kanya. Hindi na nga matatawaran ang sinasabing kasikatan ng sinasabing Phenomenal Star.

Ayon kay Maine, isang pangarap lang ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. “Never kong inakala na makararating ako sa lugar na ‘to. I am doing what I really want to do and I am very thankful because of that.”

Ang pagiging You Tube sensation ni Maine ang unang naging daan para mapansin at makapasok siya sa EB para makilala at mahalin ng buong bansa o buong mundo lalo na nang magsimula ang love story nila ni Alden Richards sa Kalyeserye.

Sa pagiging in demand, alam na rin ni Maine na hindi ganoon kadali, “Not as easy as I thought it was,” pag-amin niya. “I must admit that it is physically-tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”

Simula nang sumikat, halos si Maine na ang laman ng lahat ng mga magazine cover na nakakapag-experiment pa siya ng iba’t ibang fashion and styles. At walang-duda, si Maine rin ang naging isa sa pinaka-paboritong celebrity endorser—sa mahigit anim na buwan lang niya sa showbiz! At isang bagay ito na talagang sineseryoso at pinaniniwalaan ni Maine..

Aniya, “I have to set an example because of all the personalities that we have, they still chose me to represent their product.”

May sarili ring “rules” si Maine sa pagpili at pagtanggap ng mga produktong ieendoso niya.

“I should make sure that the products I endorse are of high quality because I know that having me as their endorser will affect people’s choices.”

Kaya ganoon na lang ang tuwa at pagmamalaki ni Maine nang malamang siya ang napili ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino na maging celebrity endorser.

“I got excited because this is another blessing and opportunity for me,” pag-amin niya.

Isang malaking factor kay Maine sa pagtanggap niya sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino na ay ang katotohanang noon pa man, isa na siyang “fan” ng naturang brand ng tocino na gawa sa young pork at walang salitre.

Ayon kay Maine, “Kumakain na talaga ako ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino so, super excited ako to do the project.”

Ang paniniwala niya sa produktong ineendoso ang isa sa dahilan kung bakit naging magaan at masaya ang pagsu-shoot niya raw ng TV commercial nito na ngayon ay kasalukuyang napapanood sa TV.

“’Yung shoot was quite an experience for me dahil ang dami kong emosyon na kailangang ipakita sa isang commercial lang. Kailangan kong umarte ng seryoso, fierce, heart-broken at iba pang emosyon. Pero syempre, I have my favorite part. The consump?on scene!

“Finally, I was able to express the real me, kengkoy and fun. Fantastic baby pa more!,” natawa niyang sabi.

Sinabi pa ni Maine na, “It’s delicious. Talagang tender ito dahil gawa ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa young pork at hindi sa inahing baboy. It’s easy to cook too! Walang kahassle-hassle i-prepare! Hindi siya nag-iisa sa pan hindi katulad ng ibang brands!”

At bonus daw ‘yung mga ‘yun para sa katulad niyang wala masyadong oras para sa kusina.

Dugtong pa ni Maine, “CDO Funtastyk Young Pork Tocino has low shrinkage when cooked compared to other brands with high shrinkage. ‘yung iba, sobrang lumiliit kapag niluluto.”

Sa isang banda, inihahalintulad ni Maine ang love niya sa bagong endorsement sa isang young love. Aniya, “The beauty of young love is pure and carefree. You enjoy and be yourself without any worries. Parang fun and puro good vibes lang.”

Sabi pa niya, na ang pagkain ng CDO Funtastyk Tocino ay parang ganoon din. Ito ‘yung pagkain na hindi ka magwu-worry na kainin.

“Talagang young ang love ko,” sambit pa ni Maine. “Why settle for anything less than CDO Funtastyk Young Pork Tocino?”

At ‘yan si Maine Mendoza—carefree, pure at young ang love… sa CDO Funtastyk Young Pork.

About hataw tabloid

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *