IAS tandem terror ng MPD-PCP!? (Attn: CPNP Gen. Ricardo Marquez)

IAS-PNPNAG-IIYAKAN ang matitinong pulis-Maynila sa diskarteng-lokbu ng tandem na IAS-NUP na nagsasagawa ‘kuno’ ng inspection sa bawa’t Police Community Precint (PCP) sa Manila Police Disrict.

Hindi dahil sa higpit o sa proper checking ng IAS ang kanilang inirereklamo kundi ang lumang diskarte ng isang punyente ‘este’ Tinyente EDD ORTINEZ at kanyang dyulalay sibilyan na NUP na si alias Boy Bokadilya?!

Nagtataka kasi ang mga pulis-PCP, bakit parang sila ang paboritong ikutan ng tandem?!

E dati naman, sa mismong mga police station nag-a-accounting at nag-i-inspection ang mga pulis.

Hindi na raw bale kung tunay na inspection daw ang lakad ‘e kaso may hirit raw si alias Boy Bokadilya na ‘for the boys’ na lang para maging maganda ang report sa kanila?!

Kaya kung sinoman ang hepe ng PNP-IAS ngayon, paki-monitor Sir ang lakad ng tandem na ‘yan na isinusuka na ng mga pulis MPD-PCP ngayon!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com