Tuesday , April 16 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Sex sa iba ng BF kita sa dreams

00 PanaginipDear Señor H.,

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko, kasi po napa2naginipan ko po na naki2pagtalik sa iba ang boyfriend ko, tas naki2ta ko pa tas wala syang paki alam. Ano po ba ibig sabihin non? Text back po  (09460274645)

To 09460274645,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagha-highlight sa iyong mga insecurities at ng iyong takot o pangamba na ikaw ay maabandona o iwanan ng minamahal sa buhay. Posible rin na nakakaramdam o naiisip mo na ikaw ay nababalewala o kaya naman, ikaw ay taken for granted. Pakiwari mo ay hindi ka nabibigyan o napaglalaanan ng sapat na atensiyon o kaya, ang iyong boyfriend ay hindi ka binibigyan o pinag-uukulan ng sapat na pagmamahal. Pakiwari mo ay kulang o walang init ang pagtingin o trato niya sa iyo. Alternatively, pakiramdam mo ay hindi ka umaabot sa inaasahan o expectations sa iyo ng iba, lalo na ang mga malalapit sa iyo. Ito ay maaaring nangangahulugan din ng paghahanap ng outlet para sa iyong nadarama. Alternatively, posible rin na ang temang ganito sa bungang-tulog mo ay nagpapakita na ikaw ay hindi satisfied sa kasalukuyan mong karelasyon, sakaling ang iyong relasyon ay umabot na sa sexual. Maaari rin namang nagsasaad ito na may itinatago kang guilty feelings ukol sa isang sexual relationship, o kaya naman, ikaw ay naghahanap o nagnanasa para sa mas erotic na sex life. Ang ganitong uri ng panaginip ay nagpapakita rin ng kawalan ng tiwala sa iyong asawa. Dapat mong tandaan na ang tiwala ay isa sa pundasyon ng maayos at matiwasay na relasyon, mag-asawa man sila o magkasintahan. Kaya, marapat lamang na lagi itong isa-alang-alang, lalo na kung wala ka namang sapat na rason upang magduda sa iyong BF. Hindi sapat ang panaginip upang maging mitsa ng pag-aalinlangan mo sa iyong kasintahan dahil maaaring may ibang bagay na naging dahilan lamang upang mag-trigger ng ganitong klase ng panaginip. Kung anuman, pag-usapan nang mahinahon at maayos ang hindi pagkaka-unawaan at anumang bumabagabag sa inyo, pati na ang posibleng maging ugat para ikasira ng inyong relasyon, bago pa man ito lumala at upang magkaliwanagan talaga kayo.

Inuulit ko po, hindi ako sumasagot sa text, tanging sa Hataw nyo  lamang makikita ang mga sagot sa nagte-text sa akin dito. Makikit anyo naman kung gaano kahaba ang sagot ko, kaya mahirap kung ite-text ko ito. Salamat po.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Krystall Herbal, Rider

Rider na muntik ma-heat stroke iniligtas ng Krystall Herbal Oil at mga payo at turo ni Fely Guy Ong

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *