NOONG Sabado ay nagkaroon ng pre-wedding celebration ang Eat Bulaga para kina Vic Sotto at Pauleen Luna na ikakasal na sa January 30, Sabado.
Madamdamin ang mensahe ng huli para sa una. Sabi ni Pauleen,”I just ‘wanna thank you for taking this journey with me. I can’t wait to be your wife. And I love you very much.”
“I love you.” Ito lang ang naging tugon ni Vic kay Pauleen na ayon sa kanya, nasa tatlong kataga na raw na ito ang lahat ng gusto niyang sabihin sa kanyang soon-to-be bride.
At kasunod niyon ay naluha na rin si Vic. Kaya kitang-kita na talagang mahal na mahal din ng komedyante si Pauleen.
MA at PA – Rommel Placente