Mayor Digong Duterte suportado kuno ng FFCCCII

FFCCIII DuterteNatawa naman ako sa nabasang balita na suportado umano ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) Inc., ang kandidatura ni Mayor Digong Duterte.

Weh? Hindi nga?!

Kayo namang mga taga-FFCCCII, bistado na ng sambayanan ang kartada ninyo.

Lahat ng kandidato tinatayaan ninyo!

Tingnan lang natin pagkatapos ng eleksiyon kung hindi agad kayo nakasuso kung sino ang mananalong presidente?!

Nagpapatawa pa kayo ‘e lahat naman talaga sinusuportahan ninyo.

Tell it to the Marines!

Puwede ba namang isa lang ang suportahan ninyo ‘e, lahat kayo mga negosyante?!

Tigilan ninyo ang panggogoyo sa sambayanan!

By the way, nagbabayad na ba kayo ng tamang buwis sa mga negosyo ninyo?!

Hindi ba, si PNoy mismo ang nagsabi na 63 percent ng members ninyo ay hindi nagbabayad ng tamang buwis?!

Commissioner Kim Henares, nagbabayad na ba ng tamang buwis ang mga miyembro ng FFCCCII?!

Pakibalitaan n’yo naman kami!

 [divider] 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com