This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISA tayo sa mga nagulat at nadesmaya nang mabasa natin ang balitang nasa loob ng shabu laboratory sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Maynila ang isang dating drugbuster ng PDEA na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Kasama niya ang isang Chinese national na sinabing dati rin interpreter ng PDEA kapag may nahuhuling mga Chinese nationals na sangkot sa ilegal na droga.
S’yempre, nagimbal ang buong sambayanan. Maraming nagsulputang katanungan.
Pero ang paliwanag ni Lt. Col. Marcelino mayroon daw siyang ginagawang intelligence work.
Pero wala naman siyang maipakitang dokumento o kahit mission order para patunayan na mayroon siyang tinatrabaho.
Wala rin statement na inilabas ang kanyang superior sa AFP.
Maging ang kanyang dating bossing na si Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago ay nagsalita at desmayado rin.
Aniya, imbestigahan at kasuhan kung talagang may kasalanan si Lt. Col. Marcelino. Mas gusto pa nga niya ‘e bitayin pa.
Kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings si Lt. Col. Marcelino sa Department of Justice (DOJ).
Maikli lang ang kanyang statement, “This is what I get in loving our country and trying to eradicate illegal drugs. I will never betray the Filipino people.”
Nakahanda umano siyang sumailalim sa proseso ng batas upang magkarooon siya ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.
For the benefit of the doubt, ‘ika nga, pakinggan natin si Lt. Col. Marcelino.
Pero kung talagang mayroon siyang paglabag kinakailangan sigurong ipataw ang mabigat na parusa sa isang opisyal na tumalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Sana nga lang ay magkaroon ng pagkakataon si Lt. Col. Marcelino na maiklaro kung ano man ang kinasasangkutan niya ngayon.
‘Yun lang po.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com