MPD outstanding cop niluluto na!?

010616 manila mpdIlang MPD friendly cop ang nagpadala ng mensahe sa atin na nangangamba sila na magkakaroon ng lutong-Macau  sa pagbibi-gay ng award sa kanilang hanay sa nalalapit na anniversary ng Manila Police District.

Nabuking raw nila ito nang mapag-alaman nila na nagkaroon ng isang selebras-yon sa isang himpilan ng pulisya ng MPD.

May nalasing raw na isang pulis at isiniwalat na malaking halaga ang kanyang ibi-nigay umano sa awards ‘komita’ ‘este’ committee ng MPD?

Isang alias PO3 ONE SHOT sa isang MPD Police Station ay matunog na isa sa mga awardee.

Kahit sa record ng MPD-GAS ay tadtad ng kasong hulidap at planting evidence.

Kaya naniniwala ang matitinong pulis (hindi kasama ‘yung kupitan ng delihensiya group) sa Manila Police District, iba talaga ang nagagawa ng maruming pera dahil kung totoong awardee ito ay mukhang na-corrupt ni alias PO3 ONE SHOT ang Awards Committee ng MPD para lang siya magkaroon ng award sa tulong ng isang photojournalist na hao shiao!?

Paki-explain nga MPD awards committee!

Samantala, ‘yung mga pulis na nakahuli ng male-maletang droga sa dalawang Tsinoy sa katabing hotel ng Meisic Police Station ay hindi man lang mabigyan ng award at ang natanggap pa ay relieved order.

Pati na ‘yung nakahuli sa pumaslang ng traffic police ay nasibak rin sa puwesto.

‘Yung mga tunay na good cop ng Manila Police District ay parang ayaw bigyan ng Award!?

Balita rin na ‘yung isang notoryus na Kupitan ng delihensiya group ay mabibigyan din ng award?!

Magkano ‘este’ paano nangyari ‘yan?

What the fact, Gen. Nana!?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com