Mag-ingat sa pekeng NPA (Babala ng PNP at AFP)

cpp npaDahil election fever na nga, nagbabala ang Philippine National Police (PNP) at AFP sa  mga politiko at ilang kandidato na mag-ingat sa mga nanghihingi ng campaign tax sa mga lalawigan.

Batid naman natin na usong-uso itong campaign tax (permit to campaign) sa mga lalawigan.

Lahat sila ay nagpapakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) pero natuklasan ng PNP na marami sa kanila ay peke.

Dahil alam nilang pinaninindigan ng NPA ang kanilang mga pagbabanta, kaya maraming politiko ang hindi nagdadalawang-isip na magbigay kapag nahihingian sila o napadadalhan ng sulat.

At ‘yan ang sinasamantala ng ilang armadong grupo ngayong eleksiyon.

Gagamitin nila ang pangalan ng NPA para matakot sa kanila ang target nilang kikilan.

Kung mayroong magpadala o lumapit sa inyong gaya nito, alam na po ninyo kung ano ang dapat ninyo gawin, NPA man ‘yan o pekeng NPA.

Uulitin po natin, MAG-INGAT!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com