Thursday , June 4 2026

Aktres si Claudine sa totoong depinisyon ng pagiging aktres — Direk Lamangan

012016 Joel Lamangan Claudine Barretto

00 SHOWBIZ ms mPINURI ni Direk Joel Lamangan si Claudine Barretto ukol sa talent nito bilang aktres. Si Claudine ay isa sa bida ng pangatlong handog na show ng Viva para saTV5, ang Bakit Manipis Ang Ulap?

Ani Direk Joel, si Claudine ay isang aktres sa totoong depinisyon ng pagiging aktres.

Sa totoo lang, magaling naman talagang aktres si Claudine at it’s about time nga siguro na muling ibalik nito ang dating nakikitang arte sa kanya ng mga manonood.

Pinuri rin si Claudine sa working attitude nito ngayon na maaga nang dumarating sa set at nauuna pa sa mga kasamahan.

Sinabi naman ni Claudine na sa 24 taon na niya sa business na ito palaging challenging ang anumang project na dumarating sa kanya. ”I’ve been 24 years in this business. Eleven years in theater sa Rep na bata pa lang ako artista na and I’m very grateful na lahat ng pinangarap ko ay naabot ko,” sambit ni Claudine sa grand presscon ng Bakit Manipis ang Ulap? Noong Lunes.

Iikot ang kuwento ng Bakit Manipis ang Ulap? sa pag-ibig, pamilya, at panlilinlang. Taong 1985 nang una itong ipalabas sa mga sinehan at pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, Mark Gil, at Janice de Belen. Si Danny Zialcita ang nagdirehe at sumulat nito. Ngayong 2016, muling bubuhayin ang kuwento nito pero higit na pinainit at mas pina-intense ang drama.

Kasama rin sa drama series na ito sina Diether Ocampo, Ruffa Gutierrez, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Meg Imperial, at Cesar Montano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …