Saturday , July 27 2024

Susunod na season ng isang show, ‘di na tuloy dahil may problema sa budget

00 blind item
NAG-AALALA ang ilang staff ng isang umeereng programa ng kilalang TV network dahil patapos na ang season nito at pinangakuan daw sila ng management na may susunod na season kaya tuwang-tuwa ang lahat.

Pero sa nakaraang meeting daw ng TV executives sa management para sa next season ay naiba na ang plano dahil ibang unit na raw ang magtutuloy. Ibig sabihin, may mawawalang executives at staff dahil hindi sila tao ng bagong unit na magtutuloy.

Ano raw ba ang nangyari at nabago ang plano?

Ang tsika sa amin, “eh, may kinalaman sa budget ng kasalukuyang namamahala sa umeereng programa.”

Sa madaling salita, may dagdag-bawas, “smile na lang ako ha,” sagot sa amin ng kausap naming executive rin.

Ayaw ng magkuwento pa ang kausap naming executive at saka na lang daw ‘pag plantsado na ang lahat.

Okay Fine!

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *