Wednesday , December 11 2024

Sa showbiz, kailangan matapang ka, makapal ang mukha mo, sa politika, personal doon, puwede kayong magpatayan — Ate Vi

072715 Vilma Santos

00 fact sheet reggeeSA kasalukuyang mainit na isyu ngayon kay Direk Cathy Garcia Molina at naging talent nitong si Alvin Campomanes sa seryeng Forevermore, natanong ang bida ng Everything About Her na si Governor Vilma Santos Recto kung ano ang masasabi niya lalo’t gumanap na siya bilang ekstra sa sariling pelikula nitong may kaparehong titulo.

Ayon kay Ate Vi, magkakaiba raw ang bawat tao at hindi lahat nakaka-intindi sa kultura ng showbiz.

“Mayroong nakaiintindi, mayroong hindi. May ibang tao na hindi nakakayanan ang ganoon. Sa amin, sanay na sa industriya (okay na). Maski ako nakaranas niyon. Wala naman kasing personalan ‘yun.

“Hindi mo rin masisisi na may mga hindi naiintindihan because they are not inside the industry. That we have to understand also,” esplika ng Star for All Seasons.

Ano ang mas mahirap, ang showbiz o politika.

“Showbiz at politika, malayo. Rito (showbiz) na ako lumaki. Maraming intriga at maraming away. Maliit ang mundo natin. Pero sa experiences ko na 50 years, manageable pa rin sa showbiz.

“Pero politika is different. Masyadong ma-personal doon. Puwede kayo magpatayan doon, sa totoo lang.

“Sa politics, hindi naman kataasan ang suweldo mo at ikaw ang hahabol sa tao kung anong kailangan nila. Damned if you do, damned if you don’t.

“At the end of the day, kapag ibinigay nila ang respeto, that you can lead a city, a province, a country, that is priceless. ‘Yun ang fulfillment na hindi nababayaran ng pera. ‘Yun ang fulfillment sa political arena.

“Sa showbiz, kailangan matapang ka, makapal ang mukha mo. Ito na ang pinaka-spoiled na business. Sobrang suwerte natin na nasa showbusiness. Nag-e-enjoy na tayo, sikat ka pa, mataas pa ang suweldo. The fame, the power,” paliwanag mabuti ng gobernadora.

Samantala, kinunan naman ng komento si Ate Vi tungkol kay Direk Joyce Bernal na unang beses niyang makatrabaho sa Everything About Her na mapapanood na sa Enero 27 kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

“Si Direk Joyce (Bernal) ang isa sa masasabing kakaunting direktor na magaling mag-motivate ng artista, siguro one perfect example na the first scene na with Gel (Angel Locsin) hindi kasi kami rito masyadong magkasundo.

“May technique kasi si direk, kapag dumarating kami sa set, ayaw niya ‘yung nag-uusap kami para hindi kami maging komportable sa isa’t isa, so, pagdating sa set doon (malayo) muna, bawal mag-usap sa set. Si Gel nga nag-sorry pa kasi sabi niya hindi muna kita mabati, sabi ko, ‘roon ka muna’. Ganoon mag-motivate si direk kaya when we see each other sa eksena, mukha siyang bago sa akin, same thing with Xian (Lim),” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, “kaya sa aming mga artista malaking bagay iyon kasi ‘yung motivation sa amin para magawa namin ‘yung karakter namin ng mas tama roon sa roles namin. Kaya direk (Joyce), thank you.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *