2 opisyal ng MPD nagbangayan ‘timbre’ sa ghost cops!? (Attn: SILG Mel Senen Sarmiento)
Pinupulutan ngayon sa mga umpukan sa MPD HQ ang bangayan ng dalawang opisyal ng Manila Police District sa harap ng mga bagitong pulis dahil sa pag-aagawan ng timbre ng mga naka-LUBOG na pulis Maynila.
Nag-ugat umano ang iringan at banga-yan ng dalawang opisyal nang solohin at suwapangin ang nakukuhang timbre sa mga pulis na nakalubog sa Manila Police District ng isang opisyal.
In short, binubulag nong isang opisyal ang kapwa opisyal n’ya!
‘Yun isang opisyal ang sinasabing nagbulsa kamakailan sa allowance ng pulis ga-ling kay Yorme Erap.
Pilit kasing pinalulutang no’ng matinong opisyal ang mga nakalubog na pulis sa bawat police station at sa headquarters kaya inaaway siya ng opisyal na may hawak ng ghost cops sa MPD.
That’s a lot of money,Gen. Rolly Nana!?
[divider]
