This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAIINTINDIHAN natin ang sentimyento ng Philippine National Police (PNP) nang tawagin nila ang pansin ng ABC CBN at ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isang eksenang lumabas sa teleserye gamit ang kanilang uniporme.
‘Ito ‘yung bridal shower scene sa teleseryeng On The Wings of Love (OTWOL) na tila sini-seduce for sexual act ng lalaking naka-unipormeng pulis ang isang babae (ang kanyang misis) sa pamamagitan ng sexy dancing.
Kahit nga naman sa totoong buhay, hindi dapat gawin ito, bilang paggalang sa unipormeng pang-awtoridad.
Kung mayroon mang gumagawa nito sa mag-asawahan, ‘yun ay private matter pero masagwa pa rin.
Imadyinin nga ninyo sa totoong buhay na ang mga taong naka-uniporme ng pulis, guro o sundalo ay nasa sitwasyon na tila naglalampungan, magugustuhan ba ninyo?!
Hindi ba’t talaga namang kasita-sita?!
‘E di lalo na kung props lang sa isang palabas ‘yung uniporme.
Kumbaga, ginamit na nga ninyong props, hindi pa inirespeto?!
Naniniwala tayo na dapat maging sensitibo ang mga programa sa telebisyon (lalo na’t alam ninyong pinanonood kayo ng mga kabataan) sa paggamit ng mga uniporme ng mga awtoridad.
Palagay natin ay nasa kamay na ng MTRCB ang pagpapasya kung paano nila aaksiyonan ang reklamo ng PNP.
Aabangan po natin ‘yan.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com