Wednesday , August 10 2022

Q.C. hall employee bastos at presko sa kabaro

THE WHO logoTHE who ang isang empleyado ng Quezon City Hall Administrative Management Office na  presko at bastos raw sa mga kabaro nito kapag naka-agua de pataranta.

Sumbong sa atin, bukod sa sobrang tiwala sa sarili nitong bulol na empleyado ay bastos pa kung kaya’t itago na lang natin siya sa pangalang “Damuhong Bastos” or in short DB!

Madalas daw kasing tumoma si Damuhong Bastos sa isang restobar at feeling pogi kapag tumalab na ang alcohol sa katawan.

In short kapal muks na!

Katunayan, kapag napapadpad siya sa nasabing restobar lagi niyang pinagti-tripan ang isang gurlash na may kasamang siyota at parehong taga-City Hall.

Aba’y kundi ba naman bastos at presko, laging kinikindatan daw at nagpa-flying kiss pa si DB kay bebot sa tuwing naroroon sila ng syota niya.

Take note ha! Kasama lagi ni bebot ang kanyang siyota na kamukha raw ni Tom Cruise sa nasabing lugar.

Sweet naman nitong dalawa?!

Mabuti na nga lang sana kung pogi pero ang sabi sa akin ‘di raw kayang ipinta ni Leonardo Da Vinci ang pagmumukha ni Damuhong Bastos!

Ah feeling pogi lang hindi pogi.

Buti na lang pala nauso ang picture picture kung hindi wala ka man lang souvenir sa pagmumukha mo!

Har har har har har!

Heto pa dahil hindi pinapansin ni bebot ang Damuhong Bastos, binabato niya ito ng tansan dahilan para mainis na ang si-yota niya at umbagin siya.

Alam n’yo ba kung anong nangyari nang umbagin na si Damuhong Bastos? Tumulong na rin daw ‘yung ibang costumer sa lugar dahil may kalakihan kasi ang tinamaan ng lintek.

Komo malaki e  nambu-bully.

Katwiran ng mga naroroong customer lagi raw kasi ganoon ang trip ni DB kapag lasheng na.

O loko!

Kilalanin kung sino si Damuhong Bastos ng QC Hall – AMO!

About Jethro Sinocruz

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Leave a Reply