This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MULA ulo hanggang paa, sinabon ng alkalde ng Maynila ang isang opisyal ng Manila Police District nang magreklamo ang mga lespu na napako ang pangako ng alkade sa natitira nilang allowance nakaraang bagong taon.
‘Yan ang magandang balita zsxna ipinarating sa atin ng ilang matitino nating kaibigan pulis sa MPD.
Sa Flag Ceremony sa Manila City Hall ay inianunsiyo ng alkalde na sa darating na Biyernes ay kanyang ibibigay ang natitirang P10,000.00 allowance ng MPD personnel.
Nagsipagpalakpakan at naglulundag sa tuwa ang may 3,000 pulis ng Manila Police District sa tinuran na ‘yun ni Yorme Erap.
At siya pa raw mismo ang magbibigay ng kanilang natitirang allowance upang di na ito ma-magic .
Nabuking din ang isang opisyal ng MPD na kung tawagin ay alias ‘Kernel Boy Gulpe’ ang siya palang naatasan ni Mayor Erap na mamahala sa allowance ng mga pulis nitong nakaraang Pasko.
At dahil sa hinaing at pag-iingay ng mga pulis MPD sa media ay nabuking ng alkalde na iniipit pala ng kanyang inatasan na opisyal (boy gulpe/boy kupit) ang nasabing allowance ng mga pulis.
Kaya naman kinastigo at sinabon ang naturang MPD official at agad binawi ang nasabing pondo para siya na mismo ang magbigay ng allowance sa darating na Biyernes sa Bulwagan ng Manila City Hall upang masiguro na matatanggap ito ng mga pulis ng MPD.
Sa totoo lang, tayo’y natutuwa sa aksiyon na ito ni Erap.
Sana ‘yun naman mga notoryus na kolektong sa vendors, bagman sa mga ilegal na sugal at illegal terminal sa Plaza Lawton ang sunod na sampolan ni Erap.
Pwede ho ba Yorme!?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com