Pamilya Ong ng Laoang Northern Samar walang ginagawa sa mga nasalanta ng Bagyong Nona

ONGS samarBigong-bigo ang mga kababayan natin sa Laoang Northern Samar, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring koryente sa kanilang lugar.

Marami pa rin ang hindi man lang mabubungan ang kanilang mga bahay dahil sa kakapusan ng tulong ng lokal na pamahalaan.

Ang provincial government naman ay nakatuon lang umano ang pagtulong sa bayan ng Catarman dahil ito lang ang nakita sa tele-bisyon.

Wala umanong tulong na nakararating mula sa provincial government para sa mga taga-Laoang.

Ano ang ginagawa ng pamilya ONG sa Laoang para sa kanilang mga kababayan?

Ang kasalukuyang alkalde na si Madeleine Mendoza Ong? Ang kanyang in-laws na pawang may posisyon sa gobyerno na sina congressman Emil Ong At kapatid na si Jose Ong?!

Ang DSWD?! Ano ang ginagawa ng DSWD?

Namamahagi ng mga bulok na de lata at mabahong bigas?!

Katuwiran ng DSWD, gutom ang mga bibigyan nila ng expired na de lata at mabahong bigas kaya tiyak walang aangal.

Hoy! Mahiya kayo!

Huwag ninyong pagsamantalahan ang mga taong nangangailangan.

Huwag ninyong hintayin na GABAAN kayo!         

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com