Monday , August 15 2022

Obrero tigok sa bangungot

WALA  nang buhay nang matagpuan ang isang 24-anyos obrero makaraang bangungutin sa loob ng kanyang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Rowel Morla Lorica, walang asawa, nanunuluyan sa T. San Luis Street, Pandacan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:43 a.m.nang matagpuan ng kanyang kasamahan na si Raylan Lumosco, ang biktimang wala nang buhay sa kanilang tinutuluyang bahay sa Pandacan.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima habang nanonood ng telebisyon kasama ng kanyang mga katrabaho na sina Rey Bernardo at Bryan Mesa sa kanilang kapitbahay.

Pagkaraan ay nagpaalam ang biktima na babalik na sa barracks para matulog.

Kinaumagahan, nang gisingin ng mga kasama ay hindi na nagising ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, posibleng binangungot ang biktima.

About Leonard Basilio

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …

Leave a Reply