A Dyok A Day: Ayaw niya!

00 JokeISANG boy at girl nag-check-in sa motel.

Girl: Bakit mo ko dinala dito?

Boy: Pakakasalan naman kita, eh.

Girl: Ayoko rito.

Boy: Wala kang tiwala sa akin?

Girl: Basta, ayoko! Mahina aircon dito!

***

WIFE: Himala! Ang aga mong umuwi ngayon.

HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi niya “GO TO HELL”, kaya ito uwi agad ako..

***

INAY: Ibinigay na ba ang card ninyo?

JUAN: Opo Nay, good news ‘ala na po ako line of 7!

INAY: Talaga? Patingin! English-65 Math-60 Science-69 Pilipino – 67…

Ala nga!