Monday , August 15 2022

Parang Binay ang arangkada ni Digong

00 pulis joeyANG mainit na arangkada ngayon ni Rodrigo “Digong” Duterte ay halos katulad ng kay Jejomar “Jojo” Binay noong magdeklarang tatakbong presidente.

Mas mataas pa nga ang rating noon ni Binay. Pumalo ng  74%. Pero habang papalapit ang halalan 2016 ay bumaba nang bumaba… 21% na lang sa pinakahuling survey sa pagka-presidente.

Si Duterte naman, nang magdeklarang presidente sa pamamagitan ng substitution sa nagwidro niyang kapartido na si ex-Brgy. Chairman Martin Dino ng Quezon City, ay pumalo ng 30%, nalagpasan niya ang dating nangunguna na si Grace Poe na biglang bumagsak sa 21% kapantay ni Binay.

Pero ang survey na ito ng SWS ay ginawa bago pa ipagyabang ni Duterte na namura niya si Pope Francis noong pumunta sa bansa ang Santo Papa last January. Nasabihan n’ya raw ng “Pope p_ina ka, umuwi ka na. ‘Wag ka nang bumisita dito.” Nasabi n’ya raw ito nang maipit siya nang limang oras sa trapik mula sa NAIA 3.

Bukod dito ay ipinagyabang pa niya ang pagkalong sa ilang babae na yakap-kayap at tila niroromansa sa harap ng camera, habang nasa background niya ang tila mga hoodlum na supporters.

Ipinangalandakan niya na dalawa ang kanyang misis at 2 ang nobya na iniupa niya ng mga bahay.

Hiwalay si Duterte sa una niyang misis. Iniwan daw siya nito dahil hindi kinaya ang mga pagmumura ni Digong araw-araw. Battered wife daw…

Ang mga pagyayabang na ito ni Duterte, na gusto niyang ipakita sa publiko ang kanyang pagka-astig, ay nag-viral sa social media. Inupakan siya ng mga moralista pati ng simbahan.

Op kors… biglang kambiyo si Digong. Nag-sorry… at nagboluntaryong magmumulta raw siya ng P1K kada pagmumura.

Well, tingnan natin kung mapapanatili ni Digong ang kanyang pangunguna ngayon sa survey o lalagpak din siya katulad nang nangyari sa rating ni Binay.

Limang buwan pa bago ang eleksyon. Marami pa ang magaganap. Maaring may mga ma-disqualify pa sa mga presidentiable na ito.

Tutok lang, mga suki!

Kotong cop sa Bocaue, Bulacan

– Sir Joey, sana maipaabot mo sa kinauukulan ang pinaggagawa ng mga pulis dito sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Masyadong garapalan na kung manghuli ng mga sasakyan. ‘Pag di magbigay, sasabihin: “O walang padala si amo? ‘Di puede ‘yun, may para sa amin. Baka gusto mo tikitan kita?” ‘Yan ang bukang-bibig ng pulis sa Bocaue.  – 09224730….

Kunan n’yo na lang ng picture o video ang mukha ng pulis na ‘yan at i-post sa internet para makita ng buong mundo ang kawalanghiyaan ng mga gagong pulis diyan!

Mabuti pang magmura, no. 1 sa survey!

– Boss Joey nakakatawa talaga itong bansa natin. E nandito na lahat ang mga nakatatawang  opisyal – pinuno at mga politiko. Paligsahan sa pagpapatawa, hahahahaha. Pati ang bayarang mga nagsu-survey tiba- tiba ngayon. Kung sino ang gusto manguna sa survey if the price its right e tiyak no. 1 ka! O kaya magmura ka lang at viral sa net, no. 1 ka na. Kagabi sa TV news, si Duterte palamura ang no.1 sa survey ng SWS. Kaya ang joke sa usapan e mas ok pala ang palamura tiyak no.1 sa survey. Hehehehe. Pati mga mamamayan hilo na rin sa mga survey na ‘yan. Ako, sa totoo lang never na maniwala sa survey na ‘yan. Bakit? E no’ng nakaraang election ang nangunguna at talagang remate sa takbo e si M. Villar kaya nakakasiguro na panalo n’ya dahil sa survey. E ano nangyari? Sus ‘yung no.1 sa survey kulelat sa bilangan kaya suko na agad siya. O maniwala pa ba kayo survey na ‘yan? Mga pu… ina nila? Taumbayan ang hahatol! – Juan po.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Live selling sa Facebook bawal na!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIMULA sa 1Oktubre ng taong kasalukuyan, aalisin na at …

Sipat Mat Vicencio

Si FPJ at ‘Ang Probinsyano’

SIPATni Mat Vicencio SA DARATING na Sabado, Agosto 20, ipagdiriwang ang ika-83 birth anniversary ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Leave a Reply