Thursday , June 4 2026

Yaya Dub saan na pupulutin after Kalye Serye?

112715 maine mendoza yaya
BAGAMAT sikat na sikat ngayon ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub), hindi rin nawawala sa discussion kung ano ang mangyayari sa dalawa ‘pag dumating ‘yung time na humupa na ang AlDub Fever? Sino ang magtatagal sa dalawa? Sino ang maiiwan?

Marami ang humuhula na si Alden ang magtatagal. Bago pa siya sumikat ng todo ay may career na siya. Nagbibida na sa mga serye at naging leading man pa ng Primetime Queen na siMarian Rivera. Nagre-rate ang mga serye nila ni Louise DeLos Reyes. Kumbaga, may napatunayan na si Alden sa pag-arte, hosting, at pagkanta.

Kahit anong mangyari, hindi pababayaan ng GMA si Alden dahil talent nila ‘yan at talagang nai-build-up para maging malaking artista.

Pero si Yaya Dub, sikat lang, magaling mag-dub mash pero wala pa siyang marka sa pag-arte, pagkanta o pagho-host. Maiiwan talaga siya sa kangkungan balang araw kung hindi siya makikitaan ng talent. ‘Yan ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon. Hindi ‘yung pagpaparami lang ng fans dahil sa karisma at kilig na dulot ng AlDub.

Dapat mag-seminar na si Yaya Dub kina Tito, Vic and Joey kung ano ang sikreto kung bakit nagtagal sila sa industriyang ito.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …