City of Dreams Casino tambayan ng mga juging

COD CasinoALAM kaya ng management ng City of Dreams na sikat na sikat sila ngayon bilang tambayan ng mga JUGING?!

Ang ibig sabihin po ng JUGING ay mga tambay sa Casino na hindi naman naglalaro pero mahilig mag-amuyong, mamburaot at manghingi ng balato.

Madali silang makilala, kasi pakalat-kalat lang sila at nag-aabang kung sino ang mahihi-ngan ng balato.

‘Yung iba kapag nakabalato na, uupo at maglalaro kunwari sa slot machine pero kapag natalo mag-aabang ulit ng maju-juging.

In fairness sa Solaire at sa Resorts World, mahigpit sila laban sa mga JUGING.

Hindi pwedeng lumapit ang mga juging sa mesa ng mga player kundi sila tataya.

Hindi katulad diyan sa City of Dreams, na nakikisiksik pa sa mesa ng mga player lalo na sa VIP room.

Aba, kung hindi aarestohin ng management ng City of Dreams ang ‘pamamayagpag’ ng mga JUGING sa kanilang Casino, malamang tuluyan na layasan sila ng mga player.

Paging City of Dreams casino management!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com