This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BALITANG kinukwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang nakaraang gastos ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang anniversary celebration na ginanap diyan sa National Museum.
Hanggang ngayon pala ay hindi malaman ng mga organizers kung papaano ililiquidate ang tila sumobrang budget para sa nakaraang okasyon.
Ang dapat na umayos sa gusot na ito ay ‘yung mga sumamang rumampa ng magdamagan kasama itong si BI Comm. Fred ‘greencard’ Mison.
Hindi nga ba at pinuwersa pang kaltasan ng tigli-limang daang piso ang bawat empleyado nang walang kamalay-malay mairaos lang ang pa-eklat ni Miswa ‘este’ Mison?
Well lagi namang ganyan ‘di ba? Sa una ang sarap, sa bandang huli ang hirap!
Sa lahat ng pagkakataon laging iwas sa ganitong issue si Comm. Fred ‘valerie’ Mison. Sa totoo lang, sino ba ang nakinabang dito?
Hindi ba siya lang ang naging bida?
Sabihin mo kung mali ako, Atty. Manuel “Plax” Plaza!?
At ang mga nuknukan nang sipsip na mga nakikinabang, lunok nang lunok lang sa sistema kesehodang magmukha silang tanga!
Well, talagang ganyan. Meron talagang sadyang matitibay ang sikmura at makakapal ang mukha sa mundo.
Kung gusto ninyong malaman kung sino-sino sila, paki-check n’yo na lang sa Facebook page ng BI at doon ninyo makikita ang nakasusukang mga eksena sa anniversary celebration ng Bureau na iilan lamang ang nakinabang?!
Pwe!!!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com