Monday , October 2 2023

Alden, ‘di magkakaroon ng lovelife dahil sa mga selosang AlDub fans

103015 aldub
LUMILIIT daw ang mundo ni Alden Richards dahil iniiwasan na siya ng ibang Kapuso actresses. Naiilang sila na kasama siya dahil bina-bash ng AlDub Nation ‘pag nakakasama sa picture.

“Medyo nagugulat din po ako sa mga tao minsan kapag mayroon akong kaibigan sa showbiz na nagpapa-picture lang at nakakasama sa picture. Minsan po hindi nila naiintindihan na itong industry natin ay very small. So, magkakaroon at magkakaroon ng mga ganoon dahil nakakasama ko sila sa mga event at mga commitment ko. Pero, nothing to worry naman po kasi AlDub muna ang priority ko,” deklara niya.

Humihingi na lang daw siya ng pasensya sa mga friend niya na naba-bash at ‘wag na lang daw pansinin.

Hindi kaya ang  mga selosong fans ang dahilan na mawalan siya ng lovelife?

“Malay niyo po. Ha!haha! (Baka si Maine Mendoza) kasi hindi  naman natin alam. Since before, sinasabi ko naman sa aking mga nakaka-love team, hindi ko po isinasara ang  pintuan at chance na ma-develop,” bulalas niya.

‘Yun na!

 TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Ashley Sandrine Yap Richard Yap

Anak ni Richard Yap magiging bahagi ng GMA News and Lifestyle program

I-FLEXni Jun Nardo HALO-HALO ang 48 artists na luma at bago, ang pumirma at naging …

blind item, woman staring naked man

Batas laban sa mahahalay na panoorin madaliin

HATAWANni Ed de Leon DAPAT nang bilisan ang pag-aaral ng Kongreso sa panukalang batas na …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kalma muna bagong relasyon tiyakin

HATAWANni Ed de Leon WALA na bang masasabi ngayon si Andrea Brillantes kundi kung sinong lalaki ang …

Teejay Marquez

Projects ni Teejay Marquez sa Indonesia sumabit

HATAWANni Ed de Leon NOONG isang araw, kausap namin ang actor na si Teejay Marquez, na …

Lala Sotto MTRCB

Apela ng It’s Showtime ibinasura

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IDINENAY ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Motion …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *