Alias Kolokoy Galebo nagpapakilalang pangkalahatang kolektong sa manila vendors (DILG, INTEL, CIDG/CIDU ipinangongolektong rin!?)

Kolokoy GaleboMARAMI ang nagtatanong kung saan daw ba kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob ang isang alias KOLOKOY GALEBO para hawakan ang TANGGA mula sa pobreng vendors sa teritoryo ni MPD district director Rolly Nana.

Itong si Kolokoy a.k.a. Boy Sagasa ay dating apprentice lang ng isang kotong cop na si alias Sarhentong Boy Wong-bu na kilabot rin sa paghawak ng tara y tangga mula sa mga vendors para tsaptsapin sa mga bossing sa MPD.

Pero nang natuto at tumalas na ang dating bata-batuta ay nagsolo-lakad at gumagawa na ng sariling butas si Kolokoy!  

Base sa sumbong na ipinarating sa BULABUGIN, kasama sa lakad at ipinangongolektong ni Kolokoy ang MPD ODD, INTEL, CIDG/CIDU, GAS at pati DILG pero ang duda ng souce natin, walang alam ang mga opisyal nito sa mga katarantaduhan ginagawa ni Kolokoy!?

Totoo ba ‘yun mga sir?

Gen. Rolly Nana, pwede ho bang kapain n’yo kung sino ang amo, pamato, at mga hinahatagan ni Kolokoy diyan sa MPD headquarter??

May TIP pa ko sa inyo sir, ang talagang forte raw nitong si alias Kolokoy ay mga pabrika ng pekeng diploma at public documents diyan sa Recto university.

Kilalang-kilala siya ng vendors doon dahil matagal na silang ginagawang ‘gatasan!’

C/PNP Dir. Gen. Ricardo Marquez, ano kan’yo ang gagawin n’yo sa mga ganitong klaseng pulis?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com