This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BARBARIKO at tila umano tigreng gigil sa karne ang ilang pulis na nakatalaga sa MPD RECTO-SOLER PCP.
Nasaksihan kamakailan ang bagsik ng PCP Soler sa ilalim ni punyente ‘este’ Tinyente ELMER GUTIERREZ at ilang bataan niya nakaraang Martes. alas-onse umaga.
Imbes na unahing patabihin ang vendors sa paligid at mismong sa harapan ng Soler outpost ‘e tila mga bulag na nilaktawan ang mga pasaway na vendors na alaga at hawak ni alias Sarhentong Jmy Soriyano!
Kahit sobra-sobra ang sukat ng latag ng paninda at naghambalang sa kalsada ay hindi sinisita ng Soler outpost dahil hawak umano ito ng TF-organized kotong-vendors?!
Ang pinuntirya ng tropa ni Tinyente Gute, ang mga maralitang maninininda.
Hindi lang winalis at hinakot ang kanilang paninda kundi tratong-kriminal na kinaladkad at pinosasan pa ang ilang pobreng vendors.
Sonabagan!!!
Katwiran ng mga Gestapo ‘este’ pulis-Soler outpost, pumapalag at lumalaban daw ang mga vendors kaya pinosasan nila!?
Sanamabits!!!
Sinong vendor ang hindi aalma at papalag na bukod sa laki na nga ng tara y tangga na kinokolektong sa kanila ay hinuhuli, tinatakot at pinahihirapan pa!?
Take note MPD media-on-line hao-shiao sulsoltant:
Mabuti na lang daw at nakarating kaagad sa kaalamanan ng MPD PS-11 station commander ang brutal na trato sa mga vendor kaya’t ipinag-utos agad nito na pakawalan ang pobreng vendors.
Tatanungin ko lang si MPD chief Gen. Rolly Nana sir, nagbabawas ba kayo ng boto ni Yorme Erap!?
‘Yun na!!!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com