Sleeping with the enemy na naman ba si Sen. Chiz

chiz binayMukhang nagsisimula na ang pag-ikot ng mga tsismis tungkol sa pakikipag-tandem ni Senadora Grace Poe kay Sen. Chiz Escudero.

Putok na putok kasi na hindi pa man pumapasok sa opisyal na kampanya ay parang banderang kapos na si Sen. Grace.

Ilan din ang nagbulong sa atin, na kanya-kanyang donasyon na pala sina Chiz at Grace — hindi as one bilang partido.

Parang hindi pa tuluyang nagsasama ‘e hiwalay na agad ang puti sa de-kolor?!

Gusto tuloy natin maniwala kay Ms. Sheryl Cruz, na talagang hindi pa handa si Sen. Grace.

Mukhang ‘nauto’ lang daw talaga ni Chiz, para magkaroon siya ng partner sa pagtakbo.

Aba ‘e hindi pa nalilimutan ng sambayanan ‘yung sinambit ni Chiz nakaraang 2010 national elections… “Ang VP ko ay mayroong letrang B” sabay putok na ng NOY-BI.

Mukhang mauulit ang kasaysayan ni Mar sa tandem ni Chiz at Poe?!

Hindi ba’t kamakailan lang ay napiktyuran si Chiz na ka-lunch date si VP Binay sa imbitasyon ni Tony Floreindo??

Ano sa palagay ninyo, mga suki?!

Ang inyong lingkod ay hindi na naman kasi mapalagay…

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com