Wala na bang pag-asang mapatino ang Bilibid sa Muntinlupa?
KAHIT yata sino ang ilagay na Director sa National Bilibid Prison (NBP) ay hindi na mapuputol ang ‘pananalaytay’ ng mga sindikatong nagpapatakbo ng droga, human trafficking as in prostitution, ilegal na bentahan ng alak at iba pang raket para lamang may mailaman sa kanilang mga bulsa.
At napaka-normal nang ganyang mga pangyayari lalo na kung maraming opisyal na rin ang nakikinabang.
Kumbaga, NAGKAKAALAMAN na!
Kung hindi tayo nagkakamali, napakaraming trabaho gaya ng pagpapaunlad ng kanilang skills & talents ng mga preso para maging kapaki-pakinabang silang mamamayan kahit nakakulong sila pero mukhang maraming galamay ang mga sindikato riyan para marahuyong makilahok sa kanila ‘yung mga gustong tumino.
Marami po kasing preso ang ‘breadwinner’ ng kanilang pamilya kaya kahit nakakulong na, sila pa rin ang inaasahan. Kaya hanggang sa loob, marami ang nag-iisip kung paano sila kikita.
At diyan po nag-uumpisa ang galamay ng sindikat0…
Sinasadya silang tuksuhin.
Kaya kahit sino pa siguro ang ilagay diyan sa NBP hangga’t hindi naaaresto kung ano talaga ang problema ‘e hindi magkakaroon ng katinuan ‘yan.
Nagbabago lang ang kanilang anyo personally pero napakabagal patinuin ng kanilang ‘nakahiratiang’ sistema.
Tsk tsk tsk…
[divider]
