Feng Shui: Proteksiyon ng likod tiyakin (Habang nakaupo)

102615 jennifer aniston

TIYAKING maproteksiyonan ang inyong likuran ng bagay na katulad ng dingding, malaking piraso ng furniture o malaking halaman at tiyaking walang nakaharang sa iyong harapan.
[divider]

00 fengshuiSA pag-aayos ng upuan, tandaang maproteksiyonan ang inyong likuran ng bagay na katulad ng dingding, malaking piraso ng furniture o malaking halaman at tiyaking walang nakaharang sa iyong harapan.

Directional influences ng sitting directions

*East – Nakatutulong sa pagtamo ng inspirasyon at pakiramdam na tumataas ang iyong pagiging malikhain sa pamamagitan ng iyong chakras.

*South-east – Ideyal para sa major ideas, nagpapalawak sa iyong horizon at nagiging mas malikhain at nagkakaroon ng malalaking isyu.

*South – Nagpapayaman ng mabilis na creative mode. Ideyal sa pag-project ng iyong pagiging malikhain.

*South-west – Mabisa sa pagtatamo ng creative ideas at paglalahok nito sa reyalidad. Ideyal sa pagdalisay ng iyong mga ideya.

*West – Mainam para sa pagtutuon ng iyong pagiging malikhain at pagbubuo ng single point sa iyong trabaho.

*North-west – Makatutulong na maging mas “intuitive” at inspirado sa pamamagitan ng cosmos.

*North – Mabisa sa pag-access ng iyong pagiging malikhain sa deepest level, at pagbubuo ng individualistic at orihinal na obra.

*North-east – Hihikayat sa iyo sa pagtutugma sa iyong mga ideya sa kanilang “purest essence.” Ideyal sa pag-aalis ng “peripheral distractions.”

ni Lady Choi