Ex-Speaker Fuentebella, Misis swak sa plunder?!

fuentebellasMUKHANG kalaboso rin ang kasasadlakan ng political career ng mag-asawang Arnulfo Fuentebella at mayor Mayor Evelyn Fuentebella ng Sagay, Camarines Sur.

Sinampahan kasi sila ng kasong PLUNDER sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng  pagkakamal ng P186 milyones.

Isang anti-corruption group na ZeroTolerance.org ang naghain ng kaso.

Anila, kailangan maharap sa kasong plunder ang mag-asawa dahil sa hindi maipaliwanag na yaman na hindi idineklara sa Statements of Assets and Liabilities Net-worth (SALN).

Mayroon daw kuwestiyonableng P83.147 milyon ari-arian. P20.96 milyon mula sa pork barrel funds, P43.351 milyon na government project na itinayo sa loob ng pribadong pag-aari, P12.2 milyon sasakyan at P25 milyon mansiyon.

Masyado umanong misteryoso ang yaman ng mag-asawa dahil wala naman silang ibang hanapbuhay o negosyo kundi ang  suweldo lamang sa gobyerno.

Naaalala pa ng inyong lingkod na si dating Speaker Arnulfo Fuentebella ang ka-lunchdate ng P3M-Division ng Comelec sa Diamond Hotel noong tumatakbo ang kanilang anak na si Whimpy.

Mukhang gusto nang gawing negosyo ng mga Fuentebella ang pamomolitika sa Camarines Sur.

Unsolicited advice lang po sa mga Fuentebella… MAHIYA KAYO, oy!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com