This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HISTORY na naman ang ginawa ng AlDubarkads starring Yaya Dub, Alden Richards at ang kabuuan ng Eat Bulaga.
Maagang napuno ang Philippine Arena at walang bakante ang seating capacity na 55,000 seats.
Wow!
Mantakin ninyong, isinusulat natin ang kolum na ito ay umabot na sa 29.3M Tweets na ang naitala ng Twitter.
At mismong ang management nito ay kino-congratulate na ang AlDub nation.
Kung eleksiyon ang pinag-uusapan diyan, tiyak presidente na si Yaya Dub at senador na si Alden.
At uuwing luhaan kung sino ang kanilang mga kalaban.
Ganyan ngayon kalakas ang tandem na AlDub.
Kaya lang, sabi nga ni Lola Nidora ‘e may tamang panahon.
Dumating na nga ang TAMANG PANAHON kina Alden at Maine, kailan naman kaya sa mga tandem na magsasagupaan sa Mayo 9, 2016?!
Mayroon bang panahon para sa kanila?!
Itanong natin sa ulan?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com