Desmayado rin sa DSWD ni Dinky Soliman

101814 dinky soliman reliefMR. JERRY YAP of Bulabugin –Hataw & Police Files good morning po. ‘Wag n’yo na po i-post name ko. Originally text po talaga send ko kaya lang napahaba message ko.

Matanong ko lang po. Ano po ba ang qualifications para maging head ng DSWD?

Madali po kasi solusyonan ‘yung pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Dapat lang may sense of urgency. At dapat inuuna ang karapatan ng nakararami hindi ‘yung pagsasampa ng kaso kay Mr. Willie Revillame. Naiinis po kasi ako sa issues ng DSWD e: 

  1. Bagyong Ondoy (relief goods na nabubulok lang sa warehouse) 

  2. Bagyong Yolanda, & earthquake at Cebu 

  3. Typhoons that I can’t recall the names. 

  4. Now Bagyong Lando. 

For crying out loud! Ang daming donations from other countries, and foundation all over the world and our country, and yet still don’t know what to do and how to do it? That’s a full load of crap! You have the resource and manpower na kailangan para gumalaw pero ‘di alam ang purpose ng departamento!? Palitan na yang head na ‘yan! 

Walang kwenta ang edukasyon at ang karanasan kung hindi ito kayang gamitin sa tamang paraan at timing!

(Pasensya na po ha naiinis lang ako sa lahat ng issues na di nireresolba agad ng DSWD)

Meron pa dapat na paghandaan ang DSWD, ang possibility ng malakas na lindol sa bansa or the “Big One” ‘ika sa balita. Worst case scenario sumabay ang ang tagtuyot sa ibang bahagi ng bansa at kailangan makipagtulungan sa ibang agency ng government. Those were the things to ponder on ng DSWD, government, and our countrymen while fulfilling their responsibilities for our country. 

Palitan na ‘yang DSWD Head na yan!

asogevo—@yahoo.com

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com