Ang Zodiac Mo (October 23, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Magiging emosyonal ang pakikipagkita sa mga miyembro ng pamilya.

Taurus (May 13-June 21) Bukod sa financial affairs, ang okasyon kasama ng pamilya ay kabilang sa iyong important items.

Gemini (June 21-July 20) Sa dakong umaga pa lamang, sasalubungin ka ng maniningil ng pautang.

Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi masama kung pansamantalang kalimutan ang problema at mag-relax.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring hindi mo ganap na ma-enjoy ang ganda ng umaga dahil posibleng uminit ang iyong ulo.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi ka pinipigilan ng mga bituin kundi iminumungkahi lamang na magkaroon ng limitasyon sa pakikipagsosyalan.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mainam ang araw na ito sa pagtatapos sa bagong phase ng iyong career.

Scorpio (Nov. 23-29) Sa kabila ng kahaharaping gulo sa dakong umaga, ang buong araw ay tiyak na magiging maganda pa rin.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang iyong desisyon na maglaan ng oras sa pamilya ay hindi mo pagsisisihan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Gawin kung ano ang nararapat upang lalong bumuti ang relasyon sa partner at mga kaanak.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Tiyaking magkaroon nang higit na komportableng daily regime. Makagagaaan ng iyong pakiramdam ang paggawa sa kung ano ang iyong nais.

Pisces (March 11-April 18) Kung ikaw ay artistic person at pinahahalagahan ang bawat sandali, huwag babalewalain ang oportunidad na mailahad ang iyong mga ideya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ayon sa mga planeta, titindi pa ang iyong pagiging positibo sa pagharap sa mga hamon sa buhay.

ni Lady Dee