May krisis sa kanyang pagkamamamayan si BI Commissioner Siegfred Mison

Fred MisonAng haba daw ng “dead air” sa isang programa sa DZRJ AM kahapon nang tanungin ng isang anchor sa isyu ng citizenship si Immigration Commissioner Siegfred Mison.

‘E talagang ang haba daw ng dead air ni Mr. Pa-good-guy Mison, kulang limang minuto.

Para sumagot lang pala ng… “I’m not in liberty to divulge.”

Dagdag ni Mison, may record naman ang BI at ang US Citizenship and Immigration Services (USCIS) na makapagsasabi kung US greencard holder ang isang tao.

‘E paano ‘yan kapag nakalkal ang citizenship mo Pabebe Commisioner?

Nabatid natin na batay po sa itinatadhana ng Section 18, Article XI, 1987 Philippine Constitution, ang sinomang opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat parusahan kapag nagpalit ng citizenship o nakakuha ng immigrant status sa ibang bansa.

“Public officers and employees owe the State and this Constitution allegiance at all times, and any public officer or employee who seeks to change his citizenship or acquire the status of an immigrant of another country during his tenure shall be dealt with by law.”

Tsk tsk tsk…

Mabigat pala ‘yang pinasok mo na ‘yan, Commissioner Mison…

Pananagutin pala ng batas ang sino mang taong gumawa ng ganyang paglabag.

Dapat talaga, lagi ka lang HONEST, Commissioner ‘Pabebe Boy’ Mison.

Hindi ba’t diyan ka lagi naiindulto?! Sa pagiging DISHONEST?!

Mukhang hirating-hirati ka sa pagiging dishonest.

Maitanong nga kay Atty. Cecille De Castro.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com