Mayor Edwin Olivarez walang kalaban para alkalde ng Parañaque

edwin olivarez‘YAN na nga ba ang sinasabi natin…

Ang tunay na lingkod ng bayan kapag minahal ng mamamayan ay tiyak na mararamdaman.

Best example na po riyan si Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Ang galing kasi!

Sabi nga, hindi kailangan makipagbidahan kung tama ang ginagawa ng isang lingkod ng bayan.

Sino nga naman ang mag-iisip na lumaban sa darating na halalan kay Mayor Olivarez kung kitang-kita ang napakagaling niyang good governance, ‘di ba?

By the way, anyareee, kay Jeremy Marquez?

Puro pasaring lang ba ‘yung mga narinig natin na kukunin ka kamo ni Mayor Edwin bilang vice mayor niya?!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.

Ang paglilingkod sa bayan ay hindi puro papogi lang. Hindi puro pakyu…t at lalong hindi puro pambababae ‘este’ pabebe lang…

Dapat AKSIYON!

E mukhang walang ganoon kaya siguro hindi na rin kumasa, kasi alam niyang pupulutin lang siya sa kangkungan?

As usual tandem pa rin si Mayor Edwin at ang kanyang bise mayor na si Rico Golez.

Ngayon pa lang ay binabati na kayong dalawa ng Bulabugin.

Mahusay ang tandem ninyo!

Kaya lang, parang ironic naman na ang tatay ni VM Golez na si former Rep. Roilo Golez ay tinapatan ni Rep. Gus Tambunting sa pagka-congressman?!

Hindi kaya masilat pa si Cong. Tambunting sa next term?

Bakeeet?!

Muli, magandang antabayanan ang labanan ng mga politiko sa local level!

At para kay Mayor Olivarez, congrats!!!

Go Edwin GO!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com