00 JokeDalawang pari ang nagbakasyon sa Boracay para magrelaks…

Pari 1: Kaila-ngan ‘pag nando’n tayo sa beach kai-langan di nila malamang pari tayo para makapagrelaks-relaks naman tayo at malaya nating matingnan ang mga babaeng naka-two piece at seksi.

Pari 2: Mamili muna tayo ng susuuting sando at shorts…

Pagdating sa beach habang makaupo sa buhangin at nanonood ng mga babaeng nagsu-swiming… biglang may dumaang seksi at naka-two piece na babae.

Babae: Hi Father, hello Father…..

Pari 1: Bakit kilala tayo no’ng babae? Baka kailangan nating magpalit pa ng suot ‘yung mas daring para di tayo mahalatang pari.

Pari2: Sige mag-swimming trunks lang tayo.

Kinaumagahan sa beach habang nanood uli ng mga naliligong seksi ….dumaan uli ang isang babaeng seksi at naka two piece..

Babae: Good morning Father, hello Father…

Pari1: Bakit kilala tayo ng babae?

Pari2: ‘Di nakatiis at hinabol ang babae… miss, miss bakit mo alam na mga pari kami…

Babae: Father, ano ka ba nakalimutan mo na ba ako si Sister Stella kasama n’yo sa simbahan dati, nalipat lang ako ng ibang kombento.