This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAGKAKAGULO raw ang mga bagman ngayon sa CALABARZON…
Take note, Gen. Richard Albano a.k.a. BANONG!
Mag-ingat at busisiin daw ninyo ang listahan ng ‘payola sa media’ na ipinakikita sa iyo ng isang alyas Kernel Bayagra.
Marami umano sa mga pangalan ng media na nakalista sa payola ni Kernel Bayagra ay para lang lumaki ang budget na kanyang nakukuha pero sa totoo lang WALEY talaga.
In short, ‘yan ang style niya ng pambubukol kay Gen. BANONG.
Lahat umano ng bagman sa CALABARZON ay tinatarahan ni alias Kernel BAYAGRA para sa media pero sa totoo lang deretso sa sari-ling bulsa.
Aba, astig pa raw kung makapagsalita si Bayagra — siya lang daw ang magpapasya kung sino ang dapat padalhan…
Hoy Bayagra, kung akala mong hindi nakararating sa akin ang impormasyon na madalas mong isinasangkalan ang aking pangalan tuwing kayo’y nababanatan, aba ‘e mag-isip-isip ka!
Mukhang nagkakamali ka ng bibiktimahin!
HINDI ko kailangan ‘yang payola ninyo at huwag na huwag mong magamit-gamit ang pangalan ko kay Gen. Banong!
Tantanan ninyo ang PROTECTION RACKET ninyo sa namamayagpag na mga ilegalista d’yan sa CALABARZON!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com