Plastikan sa Liberal Party

villanueva de limaMAGHAWAK-KAMAY kaya sina sinagad-to-the-bones ang public office bago magbitiw na si TESDA Director Joel ‘bulsanueva’ ‘este’ Villanueva at outgoing Justice Secretary Leila De Lima Kapag nagkatabi sa event ng Liberal Party sa pangangampanya?!

E ‘di ba kasama si Joel Villanueva na dating congressman ng Bocaue, Bulacan na sinabing nakinabang sa pork barrel scam ni Janet Napoles sa sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DoJ) under De Lima?

Hindi kaya magkaroon ng matinding tensiyon ‘yan tuwing magkakatabi ‘yung dalawa?!

Tsk tsk tsk…

Kunsabagay, wala naman kasalanan diyan si Madam Leila.

Dokumento ang nagtakda kung bakit naisama sa demanda si bulsanueva ‘este Villanueva.

Anyway, alam naman nating henyo sa salisihan ang ilang campaign expert ng LP kaya naniniwala tayo na maha-handle nang mahusay ‘yan.                                                        

Ano man ang kahinatnan ng eleksiyon sa Mayo 2016, iisa lang tiyak na magaganap — sisigla nang konti ang ekonomiya dahil magpapakawala ng ‘BARYA’ ang mga politikong sandamakmak ang kuwarta.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com