Wednesday , May 29 2024

Binay aarestohin sa pag-file ng COC?

00 bullseye batuigasTOTOO kaya na may nagpaplanong arestohin si Vice Pres. Jejomar Binay bago o pagkatapos mag-file ng certificate of candidacy (COC) sa isang linggo?

Kung tutuusin, hindi naman ito imposibleng mangyari dahil si Binay ay nahaharap sa limang kasong plunder, na maaaring maragdagan pa kapag may nahalungkat na ibang ebidensya laban sa kanya.

Ang unang apat na isinampa ni Atty. Renato Bondal ay kaugnay ng “overpriced” umanong pagtatayo ng Makati City Hall Parking Bldg., overpriced din na konstruksyon daw ng Makati  Science High School, overpriced na pagpapagawa raw ng College of Nursing Bldg. sa University of Makati at ang ilegal umanong kombersyon ng isang pampublikong lupa sa Bgy.

Comembo, Makati na ginawang private property ng isa sa mga dummy ni Binay.

Ang panglima na isinampa ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ay sa maanomalya umanong pagbebenta ng lupa na pag-aari ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa property developer na Alphaland Corp.     

Ang laging katuwiran ng kampo ni Binay ay politika lang ang dahilan ng pagsasampa ng reklamo, upang madiskaril ang tsansa niyang maging pangulo sa 2016. Sina Bondal at Mercado ay nakalaban ni Junjun Binay sa pagkaalkalde ng Makati.

Pero alalahanin na kalaban man sa politika ng pamilya Binay ang dalawang ito o hindi, kung lehitimo naman ang reklamo at may sapat na ebidensiya na susuporta sa kanila hindi dapat balewalain ang mga kaso.

At si Mercado ay tiyak na maraming nalalaman sa mga tunay na kaganapan sa Makati dahil dating naglingkod bilang vice mayor sa panahong alkalde ang matandang Binay.

Ang mga isyu ng iregularidad na naganap umano sa Makati sa panahong iyon ay ilang ulit din naman naging paksa ng mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee.

Maraming beses nilang inanyayahan ang Bise Presidente na dumalo upang makapagpaliwanag ng kanyang panig, pero binalewala lang sila ni Binay.

Dahil nangunguna sa surveys, inakala ni Binay na tiyak ang panalo niya bilang pangulo sa halalang 2016.

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang umarangkada si Sen. Grace Poe sa ratings at napag-iwanan si Binay. Maraming nagduda na baka totoo ang mga katiwaliang ibinibintang sa kanya kaya hindi niya masagot, at puwede niyang ulitin kapag naging pangulo siya sa 2016.

Ngayon ay nag-aalala si Binay na baka may magsampa raw ng kaso laban sa kanya sa Sandiganbayan at may lumabas na arrest warrant kapag nagsampa siya ng COC.

Pinili ni Binay na huwag sagutin ang mga isyu noon kahit ito ang hiling nang halos buong sambayanan, mga mare at pare ko, pero ngayon ay mukhang natataranta at natatakot pa siyang maaresto. Kung sa simula pa lang ay sinagot na niya ang mga isyu nang punto por punto, walang magiging pagdududa sa kanya ang mga tao, at hindi siya matataranta ngayon.

Tandaan!

***

TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About Ruther D. Batuigas

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Katotohanan sa likod ng kuwento ni Guo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAAKALA marahil ni Mayor Alice Guo na nagbibigay siya …

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *