This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Maituturing na napakahalaga at hindi dapat na limutin ang araw na ito ng taumbayan, partikular na ng mga mamamahayag na nagmamahal at naniniwala na kailangan magpatuloy na mag-alab ang kalayaan sa pamamahayag.
Ang araw na ito, Setyembre 30, ay araw ng kamatayan ng itinuturing na press freedom fighter na si Don Chino Roces. Noong September 30, 1988, binawian ng buhay si Chino, sa sakit na cancer, 27 taon na ang nakararaan.
Si Chino, kilala bilang founder ng The Manila Times ay lumaban para sa kalayaan sa pamamahayag at nakulong matapos na ideklara ang Batas Militar. Nang makalaya, hindi tumigil si Chino at patuloy siyang lumaban sa pamahalaan ng diktadurang Marcos.
Si Chino ang isa sa founder ng Cory Aquino for President Movement (CAPM) at nagpasimula ng 1 million signature para tumakbo si Cory bilang presidente laban kay Marcos.
Huwag natin kalimutan ang araw ng kamatayan ni Chino Roces. Kailangan ang kanyang alaala ay laging magsilbing sulo sa mga mamamahayag para hindi na muling maagaw ng sinoman ang kalayaan sa pamamahayag.
Isang pagpupugay ang nais naming iparating sa tinaguriang press freedom fighter. Laging nasa puso ka namin, Chino!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com