This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PARANG pagong na itinapon sa tubig ang mag-utol na dating Palawang governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.
Sila ‘yung tipong, tinakot itapon sa ilog pero umayaw nang matindi dahil malulunod lang umano sila.
Tinakot isalang sa apoy pero tuwang-tuwang umoo kasi mamumula raw ang kutis nila.
‘E ‘di sa madaling sabi, ibinalik ang Reyes Bros sa Palawan at ikinulong sa seldang solo lang nila.
Mayroon daw kasing pagbabanta sa buhay ng Reyes brothers kaya kailangan solo lang sila sa selda na bagong pintura at may view pa sa labas..
Itinatanggi nila ang VIP treatment at sinabing hindi ito totoo.
Pero sa totoo lang nakuha pang magpa-press conference na hindi nakaposas pagdating sa Palawan.
What the fact!?
Wala rin tayong makitang remorse sa kanilang mga mukha at panay pa ang ngisi.
‘Yan ba ang humihingi ng sorry?!
Pagdating sa loob, daig pa siguro ang piyesta sa pagkain na inihain sa kanila!?
Iba ba ang selda para sa mga mayaman at powerful?
Mayroong napakalaking bintana at kitang-kita ang view sa labas…
‘Yan ba ang nakahoyo?!
Justice Secretary Leila De Lima , ‘wag ninyong paglaruan ang damdamin ng mamamayan…
Huwag mong gamiting deodorant ang pagkakahuli sa Reyes brothers sa iyong kandidatura…
Aksiyonan mo agad ang kabalbalan na ‘to!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com