Tumataas na bilang ng A-to-A sa Clark International Airport     

DMIAEwan natin kung alam ba o nakararating ba kay Immigration Port Operation Division Chief Atty. Floro “MCL” Balato ang maraming reports ng A-to-A (airport-to-airport) ng mga pasaherong Pinoy diyan sa Clark International Airport.

Isa na rito ‘yung pangyayari sa Cebu Pacific 5J 1505 bound for Hong Kong.

Balak daw sanang ‘tumalon’ ng pasahero nito papuntang Middle East pero minalas na ma-A-to-A ng Hong Kong Immigration pabalik ng CIA.

Medyo super close raw yata ang Immigration Head Supervisor na si Lenie Maminta sa Immigrtaion Officer (IO) na pumalo ng passport ng pasaherong si Chuck Ryan Carame kaya pilit daw pinagtatakpan ang nasabing insidente.

What is so special about IO Chuck Carame, Mrs. Lenie Maminta for giving him that kind of treatment? E sa totoo lang ‘karame-rame’ na naming naririnig na kwento ng pamamasahero ni IO Carame?!

IKaw din, ayaw ni ‘pabebe’ BI Commissioner Fred ‘greencard’ Mison nang ganyan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com