This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SINO mang humamon sa kandidatura ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa darating na eleksiyon sa Mayo 2016 ay tiyak na kakain ng alikabok at pupulutin sa kangkungan.
‘Yan ay kung magtutuloy-tuloy ang napakataas na 62 percent na pagsang-ayon na nakuha ni Mayor OCA sa pinakahuling survey na isinagawa sa kanilang lungsod ng isang NGO.
Sabi nga, ang survey ay hindi sukatan kung sino ang magaling kung hindi kung sino ang nagtrabaho nang tama at nagsilbi nang maayos.
Kung hindi ginawa ng isang politiko ang tama, tiyak na wala siyang maaasahan sa susunod na eleksiyon mula sa kanyang constituents.
At ganoon lang kasimple ang rason kung bakit kompiyansa ang kampo ni Oca Malapitan na muli nilang masusungkit ang boto ng mga taga-Kankaloo.
Hindi man taga-Liberal Party, pero buo ang suporta ng Palasyo sa kanya dahil kitang-kita ang ebidensiya na siya ay nagseserbisyo sa tao.
Mula sa eskwelahan, proyektong pangkalusugan at iba pang proyektong pakikinabangan ng sambayanan ang isinusulong ni Mayor Oca.
Kaya hindi nakapagtataka na muli niyang masusungkit ang panalo sa Mayo 2016.
Go Mayor Oca Malapitan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com