This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TILA wala nang makapipigil pa sa kalandian ‘este’ PDA or Public Display of Affection nitong si Immigration Comm. Fred ‘pabebe’ Mison at ang nababalitang kanyang jowawits na si Ms. Valerie ‘dondon’ Concepcion.
Noong nakaraang Martes lang ay maraming empleyado ang naka-witness kung paano rumampa ang dalawa palabas ng BI-OCOM na halos magkandasubasob na sa paglalakad si Comm. Fred ‘pabebe’ Mison habang nakaabresiyete ang kanyang lady love?!
Kitang-kita rin kung gaano ka-proud ang lolo n’yo na para bang sinasabi na “O say n’yo, inggit kayo no?!”
Well, no wonder na nag-trending ang tsismis sa BI main office na kahit ano raw ang i-request nitong kanyang lady love ‘e ganoon na lang kung mataranta si Papa Mison lalo na sa ilang kamag-anak nito na naipasok sa bureau, courtesy of their May-December affair?
How true Papa Mison?
Hindi ba nga at dalawang pinsan umano nitong si Ms. Lady V as in voluptuous ang nagawa niyang ipasok sa Bureau as Confidential Agents kaya huwag na kayo magtaka kung mabigyan pa sila ng permanent item courtesy of his Honorable shoot before dribble “pabebe” Commissioner?
What the fact!?
Kaya siguro aligaga si pison ‘este Mison na sibakin lahat ang mga hindi nag-comply sa kanilang destino lalo na ‘yung mga ipinatapon niya sa border crossing stations para siguro harbatin ang mga hawak na permanent item/positions nila?
Mukhang totoo nga talaga ang kasabihan na: “Walang tutang naulol ‘di ba?”
Talagang gagawin ang lahat para masiyahan lang si Manoy ‘este ang puso!?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com