This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINDI pa man nag-iinit ang puwet ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary
Mel Senen Sarmiento, ‘e hayan at mayroong ilang mangongolektong na ibinubugaw siya sa mga ilegalista.
Isang alyas Charlie na taga-Murphy ang nag-iwan pa umano ng numero sa mga operator ng club, illegal gambling at sugal lupa.
Isang alyas Clayd at isa pang alyas Manong naman ang wala rin tigil sa pag-ikot sa mga club at pasugalan para magpakilala umanong kolek-TONG ni Secretary Sarmiento.
Take note, weekly raw po ang diin ng kolek-TONG, dahil ‘yan ang mahigpit na utos ng bugaw san ‘este ng tanggapan umano ni Secretary.
Aruykopo!
Hindi yata nabigyan ng oryentasyon ni dating SILG Sec. Mar Roxas ang bata ‘este, ang humalili sa kanya — na huwag magpabugaw at higit sa lahat ay huwag magpabukol!
Anyway, Secretary Senen, ngayong alam na ninyo, na kayo’y ibinubugaw at ipinangongolekta sa mga ilegalista palagay natin ‘e mayroon kayong tungkulin na sudsurin kung sino man ‘yang grupo na ‘yan.
Dapat bigyan ninyo ng leksiyon ang grupong ‘yan dahil kung hindi, tiyak na magigising na lang kayo isang araw na marami na ang nagkamal ng salapi gamit ang pangalan ninyo…
Kilos na agad-agad Secretary Senen!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com